Waltermart Carmona Bazaar 2016
Mga kababayan sa Carmona, nagbukas sa Waltermart Carmona ang Christmas Bazaar 2016. Isa itong magandang proyekto na naglalayong ipakita ang mga likha ng ating mga ka-lugar.
Ito ay nagbukas noong December 9 at magtatapos sa ika-31 ng buwan ding ito. Sa kasalukuyan ay may anim na merchants sa bazaar. Maaaring makabili ng mga bags, door mats (na gawa ng Samahan ng mga Kababaihan), mga kakanin , peanut butter, mga sweets at maraming iba pa.
Sa mga naghahanap ng munting regalo o kaya'y souvenir para sa nalalapit na Kapaskuhan, bisitahin po natin at suportahan ang Carmona Christmas Bazaar 2016.
Photo credits:
***
'Like' Everything Carmona on Facebook
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento