Silang-Carmona Diversion Road at Carmona-Binan Bypass Road Sinisimulan Na
Magandang balita mga taga-Carmona!
Sinisimulan na ang mga daan na inaasahang magpapaginhawa para sa mga sasakyan na dumadaan sa kanto ng Bancal at para sa mga dumaraan papuntang Binan at Sta. Rosa. Madalas ay sakit ng ulo ang idinudulot ng matinding traffic sa mga naturang lugar.
Sa Facebook page ni Congressman Roy Loyola ay kanyang ipinabatid na magkakaroon na ng alternate route mula Silang papuntang Carmona sa sisimulang Silang- Carmona Diversion Road.
Iwas toll-fee at kontra traffic na din ang sisimulang Carmona- Binan Bypass Road para sa mga papuntang Sta. Rosa o Binan.
Dagdag pa ng kongresista, konektado ang Silang-Carmona Diversion Road sa Carmona- Binan Bypass Road at isang magandang alternatibong ruta ito para sa mga taga- Carmona at Silang na pupunta ng Binan o Sta. Rosa.
Excited na ba kayo mga taga- Carmona? :)
(Source: Atty. Rey Loyola Facebook Page)
***
'Like' Everything Carmona on Facebook
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento