Latest News6#Pagyanig Challenge

Setyembre 28: 3rd Quarter National Earthquake Drill


Mga kababayan sa Carmona, Cavite, ang lahat po ay inaanyayahang makilahok sa gagawing 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Setyembre 28, ganap na ika-siyam ng umaga.

Ang #Pagyanig Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay isang aktidibidad na nilalayong ihanda ang lahat sakali ngang dumating ang 'The Big One' o isang malakas na lindol. Sa isang masusing pag-aaral na isinagawa ng Metro Manila Earthquake Reduction Study, ang pag-galaw ng West Valley Fault ay maaring magdulot ng 7.2 magnitude na lindol.

#Pagyanig Challenge


Ang lahat ay iniimbitahang makilahok at tanggapin ang hamon ng #Pagyanig Challenge sa pamamagitan ng pag-post ng mga larawan o video sa Facebook o Twitter, at huwag kalimutang ilagay ang #Pagyanig.

Ang pakiki-isa ng lahat ay hinihimok. Sa mga ganitong drill ay ay mas lumalawak ang kamulatan sa responsibilidad na mabilis na maka-responde sa panahon ng kalamidad. 

Mga dapat gawin sakaling lumindol:


Sa Setyembre 28, ika-siyam ng umaga, sabay-sabay tayong mag-'Duck, cover and hold.'

(Larawan mula sa Carmona Pcr Facebook)

***
'Like' Everything Carmona on Facebook 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Start typing and press Enter to search