National Football Center Itinatayo sa Carmona
Dalawang taon na nga ang nakaraan ng maganap ang 'ground breaking ceremony' para sa itatayong National Football Center sa San Lazaro Leisure Park.
Sa isang article na lumabas sa Rappler, nabanggit na ang Carmona ay itinituring na next Ph Football Mecca.
Sa kasalukuyang istraktura ng San Lazaro Leisure Park, meron itong horse track, grandstand, at malapit na nga- isang football stadium.
Nauna na ngang naibalita na matatapos ang proyekto sa taong 2015. Nagkaroon lang ng pagka-abala sa paggawa- sa ngayon ay malapit ng matapos ang stadium. Ito at may sukat na 105 meter na haba at lapad na 65 meters. Ito ay inaasahang pumasa sa FIFA's 2 star accreditation. Pag nagkataon, maari ng mag-host ng international tournaments sa lugar na ito.
Narito ang artist's impression ng itinatayong gusali na minsan ng nailathala sa website ng Manila Jockey.
Excited na ba kayo, mga taga- Carmona?
Galing dito ang mga larawan
***
'Like' Everything Carmona on Facebook
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento