Safety Tips sa Undas
Tuwing Undas, ginugunita natin ang mga mahal sa buhay nating yumao na.
Tiyak, puno na naman ang mga sementeryo at asahan na din ang mahabang traffic. May mga pamilya o indibidwal na uuwi sa mga probinsya o kaya'y iiwan ang mga bahay para pumunta sa sementeryo. Ang mga kawatan o masasamang loob ay naglipana din sa mga panahong ito. Muli ay pinaaalalahanan ang lahat na gawing ligtas ang paggunita natin sa araw na ito.
1. KUNG IIWANAN NA WALANG BANTAY SA BAHAY
- Ikandado ang lahat ng pinto at bintana; tiyakin na walang dadaanan ang sinuman na may tangkang pumasok at magnakaw.
- Mainam kung may “burglar alarm” para maalerto ang mga kapitbahay kung may pumasok sa kabahayan.
- Iwasan mag-iwan ng notes sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao sa loob. Mainam din na iwanan na bukas ang radyo para kunwari ay may tao sa loob ng bahay.
- Itagubilin sa pinagkatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay at ipaalam din kung kalian kayo babalik.
- Tiyakin na walang naiwan na nakasinding kandila, bukas na electric o gas stove o tumutulong gripo ng tubig at naka-plug na appliances.
- Iligpit ang anumang mahalagang bagay o pag-aari sa labas ng bahay na maaaring nakawin tulad ng mga damit sa sampayan o bisikleta o sasakyan
2. SA LOOB NG SEMENTERYO
- Magdala ng sapat na pagkain at tubig inumin. Bawal ang alak at mga paninda sa loob ng sementeryo.
- Magdala ng pananggalang sa init o ulan.
- Bawal ang pagdala ng mga deadly/bladed weapons, mga malakas na loud speakers at mga gamit pang-sugal.
- Bantayang mabuti ang mga kagamitan na dinala sa puntod. Tiyakin na ang mga kandilang nakasindi ay di makalikha ng sakuna o sunog.
- Payuhan ang mga kasamang bata na huwag pagala-gala at mag-ingat sa mga lugar na maraming tao. Kung sila ay nahiwalay, tiyakin an sila ay may ID o papel na sa kanila ay pagkakakilanlan.
- Panatilihing malinis ang kapaligiran. Magdala ng sariling trash bag na dapat iligpit pagkatapos at itapon sa tamang basurahan.
- Alamin ang lugar ng First Aid Station at PNP Assistance Booth para sa emergency o police assistance.
- Kung maglalamay, tiyakin na ang kapaligiran ay ligtas sa krimen at sakuna.
3. KUNG BIBYAHE AT MAGDADALA NG SARILING SASAKYAN
- Bago bumiyahe, tiyakin na maayos at walang problema ang sasakyan ga gamitin.
- Tiyakin na kumpleto ang dokumento mo sa pagmamaneho at papeles ng sasakyan; kasama ang Insurance Certificate.
- Tiyakin naka-safety lock ang mga pinto at bintana lalo na kung may kasamang mga bata sa sasakyan.
- Sa pagmamaneho, tiyakin na palaging kontrolado mo ang sasakyan. Iwasan ang one-hand driving o paggamit ng cellphone habang nagmamaneho kung naka-inom ng alak, nahihilo o inaantok.
- Kung nagmamaneho sa gabi, gamitin nang wasto ang mga headlights at signal lights. Huwag magmaneho kung malabo ang paningin.
- Hanggang maari at malapit ang libingang dadalawin ngayong Undas, huwag nang magdala ng sasakyan, upang mabawasan ang trapiko lalo na sa paligid ng sementeryo.
4. KUNG GAGAMIT NG PAMPUBLIKONG SASAKYAN
- Iwasang magsuot ng mga mamahaling alahas o magdala ng malaking halaga ng salapi. Ingatan ang cellphone, at appliances na malimit dalhin tuwing Undas.
- Iwasang magdala ng maraming gamit para maiwasan ang pagkawala ng mga ito at para hindi mahirapan sa biyahe.
- Mainam na maging maagsa istasyon ng bus/tren, pier at paliparan upang maiwasan ang siksikan at matiyak na maayos ang puwesto sa sasakyan, lalo na para sa mga kababaihan, bata at senior citizens.
- Kung may napansin na kakaibatulad ng bagahe o kahon na maaaring pinaglagyan ng bomba kadudadudang pagkilos ng tao sa istasyon, pier, paliparan o sa loob mismo ng bus, tren, barko o eroplano, palihim na ipaalam agad sa kinauukulan.
- Mag-ingat sa mga mandurukot sa istasyon at sa loob ng sasakyan. May mga nakatalagang Police Assistance Post sa bawat istasyon, pier o paliparan na maaaring pagsumpungan.
***
'Like' Everything Carmona on Facebook
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento